Mga bagay na dapat iwasan para ‘di maloko ng investment scams
Daang milyong piso ang nawawala sa libo-libong OFW na biktima ng investment scams. Paano ka makakaiwas?
Hindi sa lahat ng oras, masayang kwento ang baon ng mga OFW sa kanilang pagbalik. ‘Di biro ang nasasamantalang halaga sa libo-libong OFWs na nabibiktima ng iba’t ibang scam na may kinalaman sa investment, borrowing/loans, at mga pekeng negosyo. Sa panahon ngayon, mahalagang maging wais at may alam para hindi maloko.
Huwag hayaan na ang pinaghirapang kita ay mapunta sa wala. Narito ang ilang mga dapat iwasan para ‘di maloko ng investment scams:
Too good to be true offers
‘Kikita ka ng ganito kalaki sa loob ng ilang araw lang.’
Isa ito sa mga matatamis na salitang maririnig mo para ma-engganyo kang ibigay ang iyong pera sa kanilang ‘investment’ program. If it sounds too good to be true, mas doblehin ang pag-iingat. Tandaang tiyaga at oras ang kailangan sa pagpapalago ng yaman. Huwag magpadala sa pangako ng quick cash.
Iwasang magtiwala 100% sa online reviews
We usually rely on online information to make decisions and manage risks. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay reliable ang impormasyong nakakalap natin online. While online reviews can be very helpful, make sure that these testimonials are from real people with verifiable experiences with the company or product.
Products or schemes without clear mechanisms for return of investment (ROI)
Ilan sa mga katangian ng scam ay ang nakakalitong mga proseso at malabong paliwanag kung paano kikita ang pera mo at paano ito maibabalik. Kung nahihilo ka na sa paikot-ikot na sinasabi ng iyong kausap, huwag basta umoo. Instead, take this opportunity to retreat and think about what you just discussed.
Time-pressured investments
‘Sige na, ngayon lang ‘to.’ Mas madali maging pabaya sa mga desisyon kapag tayo ay under time pressure to say yes. Imbis na magpadala, maging mahinahon at huwag magpadalos-dalos sa pagdesisyon.
Mga kompanyang walang pisikal na address
Siguruhing may pisikal na opisina ang mga tao at kompanyang inyong nakakausap at maaaring maka-transact for investments. Mahirap hanapin at matunton ang mga taong pagkakatiwalaan ng pera mo kung limitado sa online/text/tawag lamang ang mga transaksyon.
Recruitment Model Schemes
Kung isa sa mga sales pitch sa’yo ay kikita ka basta makapagdala ka ng isa o higit pang tao na willing din magpasok ng pera, maaaring ikaw ay pinapasali sa isang pyramid scam. In case you find yourself being recruited, huwag basta-basta sumang-ayon. Sa halip, mas maging alerto at mapanuri.
Kahina-hinalang mga karakter at kompanya
Ipagkakatiwala mo ba ang bagahe mo kung kani-kanino? Kilalaning maigi ang taong makakausap tungkol sa mga investment offers. Alamin ang kanilang pagkakakilanlan, pangalan ng kompanya, mga naging kliyente, at iba pang mga detalye tulad ng SEC registration para mas makatiyak na lehitimo ang pagdadalhan ng perang pinaghirapan.
Hindi pagtatanong sa mga eksperto
Hindi dapat ikahiya ang pagtatanong sa mga mas may alam tungkol sa investments. Pru Life UK is always ready to help you understand how investments can help you grow, achieve your dreams, and secure your future.
Maging mapagmatyag sa mga iba’t ibang uri ng mga scam o panloloko na kadalasang bumibiktima sa mga OFWs. Para sa karagdagang impormasyon o babala patungkol sa mga scam, magtungo sa website ng SEC para sa listahan at mga paalala laban sa mga grupo o kumpanyang hindi awtorisadong mangolekta ng pera for investments.
Kasama mo kami sa pagpapalaki at pagiingat ng perang pinaghirapan.
Invest wisely and invest confidently with Pru Life UK. Set an appointment with us today or talk to a Pru Life UK agent to learn how we can help you in life's most important investments.